Verified

Grade 12 student, huli sa 'sextortion'

18:22 May 24 2018 Makati

Description
Naaresto ang isang 19 anyos na lalaki sa Makati City matapos mangikil sa isang dalaga kapalit ng hindi pagpapakalat ng kaniyang mga maseselang retrato at video.

Sa entrapment operation, hinuli ng Makati police ang suspek na si alyas "Jose," isang Grade 12 student, matapos isumbong ng biktimang si alyas "Rose."

Kuwento ni Rose, Miyerkoles nang makatanggap siya ng Facebook message sa isang nagpakilalang Mikay Fernandez, kung saan tinakot umano siyang ilalabas ang kaniyang mga hubad na larawan at sex video kung hindi siya magbibigay ng cellphone at makikipagtalik sa suspek.
Credibility: UP DOWN 0
Leave a Comment
Name:
Email:
Comments:
Security Code:
13 + 4 =