Verified

NA-RAPE SA LAMBING NG TEXTMATE

05:25 Mar 5 2011 4th Ave W, Caloocan City, Philippines

Description
“Hayop siya, ‘di ko aka­lain na gagawin niya sa akin ‘yun, dapat ‘di na ako sumama sa kanya!”
Humahagulgol ang 19-anyos na nursing student habang nagbibigay ng salaysay sa pulisya para ireklamo ng rape ang textmate matapos pumayag na makipag-eyeball dito dahil sa tiwala at lambing ng suspek sa pakikipag-text.

Nanggagalaiti pa nang magsadya sa Caloocan City Police Station kasama ang ilang kaanak upang magsampa ng reklamo ang biktima na residente ng Quezon City, laban sa suspek na kinilalang si Jefrrey Calara, 24, binata, drayber, at residente ng Panday Pira, Bagong Barrio ng na­sabing lungsod.

Nasakote ang suspek ng mga rumespondeng pulis at kasalukuyang nakakulong sa selda ng Caloocan City Police.

Sa ulat ng Women’s and Children Concerned Desk, nabatid na dakong alas-singko kamakalawa ng hapon nang maganap ang panggagahasa ng suspek sa loob ng bahay ng pinsan nito na matatagpuan sa kahabaan ng 4th Avenue, Caloocan City.

Ayon sa hindi na pina­ngalanang biktima, niyaya siya ni Calara na magkita sila sa Balintawak, Quezon City matapos ang ilang araw na pakikipag-textmate na sinang-ayunan naman ng dalaga dahil umano sa tiwala at lambing ng suspek sa text.

Nang magkita ang dalawa napapayag ng binata ang dalaga na sumama sa bahay ng kanyang pinsan kung saan agad inaya ng una ang huli na mag-inuman.

Ngunit nang malasing ay saka isinakatuparan ni Calara ang makamundo nitong balak.

“Nanlaban po ako pero wala rin nangyari dahil lasing ako tapos mukhang may nilagay pa siya sa ininom ko!”

Matapos umano ang ilang ulit na pagpaparaos sa katawan ng biktima ay pinayagan na itong makauwi ng suspek at pinagbantaan na huwag magsusumbong kanino man.

Subalit nang makauwi ay lakas-loob na ipinagtapat ng biktima ang sinapit sa kamay ng textmate kaya sinamahan siya ng mga kaanak para magreklamo sa pulisya.

Ayon naman sa suspek, kasintahan umano niya ang dalaga at pareho nilang gusto ang nangyari subalit ‘di lumusot sa mga awtoridad ang kanyang alibi at tuluyang ipinasok sa selda.
Credibility: UP DOWN 0
Leave a Comment
Name:
Email:
Comments:
Security Code:
12 + 5 =

Additional Reports

Young woman, 8 minors rescued from online sexual exploitation

10:07 Jul 07, 2021

Caloocan City, 1.01 Kms

Man sends unsolicited vulgar video

13:39 Jun 02, 2020

Caloocan City, 1.12 Kms

Authorities rescue 3 minors, arrest trafficker

15:37 May 07, 2020

Caloocan City, Metro Manila, 1.52 Kms

Man arrested for posting sex video on Facebook

01:50 Dec 08, 2011

Mandaluyong City, Philippines, 1.71 Kms

Ex-boyfriend disseminates private photos to Telegram group

17:00 Jun 14, 2020

Philippines, US/Canada, 2.62 Kms